88

Oct 28, 2020 @ 15:43
By

Sotto: Hindi nga nagnakaw si Duque, nagpabaya naman siya

Hindi man nagnakaw si Health Secretary Francisco Duque III ay nakitaan naman ito ng kapabayaan sa kanyang trabaho bilang ex-officio chairman ng board ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III matapos muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nagnakaw ng pera si Duque sa state health insurance agency.

“That’s the opinion of the President. As far as the Senate committee report is concerned, there was negligence,” pahayag ni Sotto sa isang forum sa Kapihan sa Maynila.

“There was a violation of Article 217, under the Revised Penal Code. Perhaps they could say he did not steal any money…but the Senate committee report, the findings are clear, there are violations committed by officials of PhilHealth, including the department officials, and the secretary of health,” dagdag nito.

“But that’s the opinion of the President, what can I say?” sambit pa ng lider ng Senado.

Nauna nang inirekomenda ng Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Sotto ang paghahain ng malversation at graft charges laban kay Duque at iba pang mga opisyal ng PhilHealth kaugnay ng kuwestiyonableng paglabas ng pondo sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) policy.

Nauna nang pinabulaanan ni Duque ang alegasyon at tinawag na walang basehan ang finding ng Senado.

Inirekomenda rin ng Senado ang apgtalaga ng bagong kalihim ng DOH na may kakayanang labanan ang katiwalian sa PhilHealth.

Subalit sa kabila nito, ilang beses namang dinepensahan ni Duterte si Duque at patuloy pa rin ang tiwala nito sa DOH secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?