33

Nov 24, 2021 @ 14:02
By

Sotto hinamon ibang kandidato: Sa PDEA at PNP magpa-drug test

Hinamon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang ibang kandidato sa halalan 2022 na sa Philippine Drug Enforcement Authority at sa Philippine National Police magpa-drug test.

Sinabi ni Sotto na sa halip na magsumite na lang ng kanilang resulta sa drug test ay dapat sa PDEA at PNP na lamang sila magpasuri para makasiguro ang taumbayan na negatibo sa iba’t iba droga ang kandidato.

“The best thing is to undergo the multidrug para sigurado ang mga kababayan natin. Go to PDEA, or go to the PNP crime laboratory,” pahayag ni Sotto sa The Source.

“To be very sure the best thing is what we did, what Sen. Lacson and I did. You go to PDEA, you give your sample there in their presence, they use the multidrug immunomeric assay testing kit. It’s not just a regular testing kit, it is a testing kit for all type of illegal drugs, not just for cocaine or shabu or marijuana,” dagdag pa ni Sotto.

Aniya, naniniwala siya na ang dapat mamuno sa bansa ay maging halimbawa sa mamamayan.

“I firmly believe that the leaders of our country should be drug-free. We should lead by example and by conviction. How can the people believe us if we cannot do that?” saad nito.

Noong Lunes, negatibo sa droga ang resulta nina Senator Panfilo Lacson at Sotto matapos sumailalim sa voluntary drug testing. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?