29

Dec 11, 2020 @ 16:39
By

Sotto: Expressway ‘wag na lagyan ng barrier

Kung nais na gawing cashless na ang mga expressway sa bansa, dapat na huwag nang maglagay ng mga barrier sa toll gate.

‘Yan ang mungkahi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kaugnay ng kontrobersyal na RFID system kung saan nagdulot ng mabigat na trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pumapalyang sensor nito.

Giit ni Sotto, dapat gayahin ng bansa ang tollway sa San Francisco, California sa Golden Gate Bridge kung saan electronic na lahat ng transaksyon.

Ibig sabihin, tinigil na ang paglalagay ng mga teller at wala na ring barrier para harangan ang mga sasakyan.

Simula pa noong 2013, nilatag sa San Francisco ang FasTrak, kung saan awtomatikong sinisingil ang mga dadaan sa tollway via online.

Saad naman ng mga netizen, ilang lugar na rin ang nagpapatupad ng tagumpay na cashless system tulad sa Singapore at Dubai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?