225

By

Sotto, Edu, Gilas PH Youth tinambakan ang Al Rayyan

Pinangunahan ni rising star Kai Sotto ang Gilas Pilipinas Youth sa kanilang tune-up game laban sa Al Rayyan 79-54 sa Qatar Lunes ng umaga (Manila time).

Nasa Doha ang national team bilang parte ng kanilang paghahanda para sa 2019 FIBA Under-19 World Cup na gaganapin sa Greece sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Bumida si Sotto para sa Gilas sa kinubrang 19 points, tigalawang rebounds, assists at blocks kasama ang isang steal sa 26-minutong laro.

Katuwang din ni Sotto si AJ Edu na may anim na puntos, pitong rebounds, limang assists at tatlong blocks, at si Geo Chiu na may walong puntos at limang rebounds.

Dumagdag din sina Rhayyan Amsali at Gerry Abadiano ng tig-siyam na puntos para sa Gilas.

Nagpamalas ng magandang ball movement ang Gilas Youth nang magtala ito ng 26 assists sa unang tune-up game nila sa Qatar.

Susunod na babanat ang national team sa Miyerkoles (Manila time) laban pa rin sa Al Rayyan bago tumungo sa Heraklion, Greece.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?