278

Nov 16, 2021 @ 16:33
By

Sotto: ‘Drug war’ ng administrayong Duterte, hindi palpak

Nilinaw ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi palpak ang “drug war” na inilunsad ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Sotto nitong Martes, kulang ngunit hindi palpak ang naging pagtugon sa problema ng pag-abuso sa droga.

“I never said it was a fail. What I said is it is not complete,” saad nito sa panayam sa ANC Headstart.

Dagdag pa niya, para matugunan ang problema, dapat daw tuldukan ang pag-abuso sa paggamit ng droga.

“To solve the problem of illegal drugs, you have to solve the problem of drug abuse. It cannot just be illegal drugs. And the current administration concentrated on the problem of illegal drugs, which is supply reduction, which is enforcement and prosecution,” ani Sotto

Aniya, masydong nakatuon ang administrasyon sa pagsugpo ng mga gumamit ng droga, kaya naman nahaharap ito ngayon sa mga alegasyon ng extrajudicial killings.

“What it lacks is the complete drug abuse demand reduction strategy, which is what I have – which is prevention and rehabilitation. That’s what I said. I never used the word failure,” giit nito.

Nakatakdang imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) prosecutor’s office ang “war on drugs” ng administrasyon. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?