91

Nov 25, 2021 @ 20:18
By

Sotto: Drug test lang sa PDEA ang hindi kaduda-duda

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na ang drug test lang na nagmula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hindi kuwestiyonable.

Kasunod ito ng dagdag na mga presidential at vice presidential aspirant na nagsasapubliko na negative sila sa drug test na isinagawa sa iba’t ibang medical facility.

Dagdag niya, ang mga drug test sa mga ospital at klinika ay hindi reliable dahil gumagamit lamang ang mga ito ng testing kit na makakapag-detect ng substance.

“Hindi puwede ‘yung basta drug testing area. Pupunta ka sa clinic, hindi puwede ‘yung ganun. Hindi reliable ‘yun,” pahayag ng ka-tandem ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa virtual press conference.

“[Sa PDEA] Unquestionable, tunay ang resulta at lahat ng droga nakatarget… Hindi nakatuon ‘yun sa isa o dalawa lang,” patuloy niya.

Matatandaang nanguna sa pagpapa-drug test sa PDEA ang Lacson-Sotto tandem matapos ang naging pasabog ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?