17

May 5, 2021 @ 18:42
By

Sotto, committed pa rin sa Gilas

Bagamat nakatakda na siyang maglaro para sa Adelaide 36ers ng Australian basketball league ay sigurado pa rin si teen prodigy Kai Sotto na hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na makapaglaro para sa Gilas Pilipinas.

Sa isang online press conference, sinabi ng 7’3 na sentro na handa ito anumang oras siya tawagin upang magserbisyo sa pambansang koponan.

“Playing for the national team is the top goal of any athlete,” ani Sotto.

Ilang sa mga torneong lalahukan ng Gilas Pilipinas ngayong taon ay ang FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga sa darating na Hunyo at ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hulyo sa Belgrade, Serbia.

Sinabi ni Sotto na nais niyang maging bahagi ng Gilas para sa mga nasabing torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?