161

Jun 20, 2021 @ 21:52
By

Sotto binunyag pambato ng NPC sa pagka-senador

Muling tatakbo sa pagka-senador sa Eleksyon 2022 sina dating senador Francis “Chiz” Escudero at Loren Legarda sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC), ayon kay NPC acting chairman at Senate President Vicente Sotto III.

“Ah, yes, oo,” pahayag ni Sotto nang tanungin kung tatakbo ba si Escudero at Legarda sa pagka-senador sa ilalim ng NPC.

Sabi ni Sotto, si Legarda ay ‘full-blooded’ na miyembro ng NPC habang si Escudero ay naka-leave lamang.

“Si Loren kasi is full-blooded NPC yon. Si Chiz naman ay nag-leave lang. Pero NPC pa rin yon di naman siya nagre-resign,” sabi pa ni Sotto.

Bukod kay Escudero at Legarda, kasama din sa senatorial candidate ng partido si reelectionist Senador Sherwin “Win” Gatchalian.

“And then we have Sherwin Gatchalian (unclear) re-election. NPC rin yun eh,” ayon pa kay Sotto.

Si Escudero ay kasalukuyang gobernador ng Sorsogon habang si Legarda ay kinatawan ng lone district ng Antique at kasalukuyang House deputy speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?