sotto2
By

Sotto bakasyon muna sa Eat Bulaga

Sharing is caring!

Hindi na muna lalabas si newly-elected Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Eat Bulaga.

Ayon kay Sotto, pahinga muna siya sa noontime show dahil magiging abala na siya sa kaniyang bagong trabaho bilang lider ng Senado.

Bilang pangulo ng Mataas na Kapulungan, siya ang itinuturing na ikatlong pinakamataas na lider ng bansa, kasunod ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

“Magpapaalam na muna ako,” ani Sotto.

Bago mahalal na pangulo ng senado, regular na lumalabas si Sotto sa Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado maliban kung may mahahalagang pagdinig at pulong sa Senado.

“Hindi na siguro. Mag-uusap kami nina Vic (Sotto) at Joey (De Leon) at saka ni Tony Tuviera,” pahayag ni Sotto nung tanungin kung lalabas pa rin sa Eat Bulaga.

Si Tuviera ang producer ng Eat Bulaga Bulaga.

Samantala, patuloy naman umanong magiging aktibo si Sotto sa Twitter.

Pero maaring palitan na nya ang ginagamit na profile picture dito.

Litrato ng armalite ang gamit ni Sotto sa kaniyang Twitter account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?