80

Dec 4, 2019 @ 15:36
By

Sotto: Asian Games, Olympics hosting, madugo!

Matapos ang Southeast Asian (SEA) Games, kayang-kaya na ng Pilipinas na mag-host ng mas malaking sports event tulad ng Asian Games o hindi kaya’y Olympics, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“Meron, meron naman, sa tingin ko kayang-kaya (mag-host). We have enough talent,” pahayag ni Sotto sa panayam ng mga reporter.

Kailangan lang aniyang pag-isipan ang ‘funding’ para dito bukod sa kinakakailangan ang tulungan ang pribadong sektor para maging matugumpay ang layuning ito.

“Ang problema lang doon is magkano so dapat pag-isipang mabuti. Pagka mas malaki sa Southaast Asian Games, kailangang pag-isipang mabuti yung funding,” sabi ni Sotto.

“Kung ang funding katulad nitong SEA Games ay natulungan ng private sector, or kung later on ang private sector ay tutulong para yung Asian Games or Olympics ay ika nga ay maisipang gawin sa Pilipinas, that would put the Philippines in again a prominent position in the map, in the sporting world,” dagdag pa nito.

Sabi ni Sotto, sa panig ng gobyerno medyo madugo at magastos ang pagho-host ng mas malalaking sports event tulad ng Asian Games o di kaya’y Olympics kaya’t kinakailangan ang tulong ng private sector para dito.

“Maganda kung makakasali ang private sector at maraming mga sponsor, pagka ganun, palagay ko, pwede. Pag puro gobyerno lang, medyo mabigat,” ani Sotto.

“Di baling Southeast Asian Games, merong component, I think mga P1.5 billion coming from the private sector, okay na rin yun. kaya natin yun, pero yung Asian Games or Olympics, medyo madugo, magastos yun,” dugtong pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?