7

Oct 14, 2020 @ 9:47

Sotto aaksiyon sa mga batang may kanser

Alam na raw ng Senado saan kukuha ng pondo na ilalagak para sa childhood cancer medicines assistance.

Tugon ito ni Senate President Tito Sotto sa Twitter user na tinanong kung pwede pang makorek ang pagiging zero budget ng nasabing item sa Department of Health.

“I will! Have no fear, Tito is here!,” tweet ni Sotto.

“With the help of Sen Ping [Lacson] and concurrence of Sen Sonny [Angara], we already found where we will get the funding from,” dagdag niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?