674

Mar 3, 2020 @ 20:08
By

Sorry, ordinaryong senador lang ako – Bato sa mga kasamahan

Humingi ng paumanhin si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kanyang mga kasama dahil sa hindi nito pag-akto bilang isang ‘statesman’.

Ito’y matapos banggitin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kailangang magpakita ng statement ang isang kasapi ng Senado kapag bumubuto sa plenary sa isang partikular ng isyu o panukalang batas.

“Sorry, I am not a statesman, sorry hindi ako statesman. Ordinaryong senador lang ako; hindi pa ako statesman. ‘Yun lang ang makaya ko muna ngayon, ‘di pa ako statesman pa,” pahayag ni Dela Rosa panayam ng mga reporter.

Noong Martes, pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution 377 na naglalayong hingin ang opinyon ng Korte Suprema kung kailangan pa ang concurrence ng upper chamber sa pagpapawalang-bisa ng isang tratado.

Labing-dalawang senador ang bumoto pabor sa resolusyon habang pito naman ang nag-abstain kabilang si Dela Rosa.

Dismayado si Senate Minority Leader Franklin Drilon, co-sponsor ng resolusyon dahil hindi ito nakakuha ng unanimous vote. Pero giit ni Dela Rosa dapat magpasalamat pa si Drilon dahil kahit na nasa minorya ito ay nagawa pa niyang makakuha ng unanimous vote sa naturang isyu.

Nakisali si Zubiri sa diskusyon at sinabing, “I’ve been in the Senate for over six years and Congress since 1998. On these issues you want to be a statesman, you want to protect the institution you represent.”

Gayunpaman, nanindigan si Dela Rosa kanyang pag-abstain sa naturang resolusyon.

“Hindi naman sila nagdidikta sa amin pero I have to stand my ground because that is my firm belief na walang ambiguity, wala akong kailangang itanong sa Supreme Court,” ani Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?