114
Mga mangingisda naghihikahos pa rin - Pangilinan
Aug 29, 2019 @ 12:25
By

Sorry ng Chinese vessel owner, huwag tanggapin – Pangilinan

Kahit na nag-sorry ang Chinese vessel sa insidente sa Recto Bank, hindi pa rin umano ito katanggang-tanggap ito dahil nakasaad sa kanilang liham na bahagi ng Nansha Island ng China ang nasabing isla na pag-aari ng Pilipinas, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

“Bagamat sila ay nag-sorry sa kanilang sulat, mali nilang binanggit sa nasabing sulat na nangyari ang insidente sa Reed bank na kasama sa Nansha Island,” reaksiyon ni Pangilinan.

“Hindi natin dapat tanggapin na kasama sa Nansha island group ng China ang Recto Bank dahil nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Reed bank. Hindi dapat tanggapin ang mga salita na ito,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat magbayad pa rin ang owner ng Chinese para sa 22 mangingisdang Pinoy na sangkot sa aksidente.

“They must pay compensation to the Filipino fishermen,” sabi ni Drilon.

Naunang nang kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang paghingi ng paumanhin ng China sa sa mga Filipinong mangingisda na nasangkot sa Recto Bank incident.

Ito ay makaraan ang halos tatlong buwan nang mangyari ang ‘hit and run’ sa Recto Bank o ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Ipinahayag ng China sa naturang sulat ang kanilang pakikisimpatya, gayundin ng may-ari ng Chinese fishing boat, sa mga Pilipinong mangingisda na nasangkot sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?