39

Oct 7, 2021 @ 22:01
By

Soriano tatakbong Tuguegarao councilor

Tatakbong Tuguegarao City (Cagayan) councilor si volleyball legend at Philippine National Volleyball Federation (PNVF) board member Maria Rosario ‘Charo’ Soriano.

Ibinahagi ng former Ateneo Lady Eagle at PNVF beach volleyball commission chair sa social media ang kanyang pagpasa ng certificate of candidacy nitong Miyerkoles para sa 2022 elections at ipinarating ang hangaring paglingkuran ang lungsod.

“Sa panahon ngayon, madalas nating naririnig ang tanong na – ano ba ang ambag mo sa ating mundo?” litanya ni Soriano. “Naitanong ko rin ito sa sarili ko. Kaya ngayong araw, ako po ay nagpasa ng aplikasyon bilang inyong Sangguniang Panlungsod dito sa ating mahal na Tuguegarao para makatulong, makiisa, makinig, at maiangat pang lalo ang pamumuhay ng mga Tuguegaraoeños.”⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀

“Sana po ay maluwag ninyong tanggapin ang aking aplikasyon bilang City Councilor sa susunod na eleksyon,” panapos ng 35-anyos na Beach Volleyball Republic founder.

Matapos maglaro para sa Loyola Heights-based squad, nagsilbing assistant coach si Soriano ng Lady Eagles at lumaro rin ng ilang taoon sa Shakey’s V-League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?