25
william
By

Sori sa mga naetsapuwera – Marcial

Sharing is caring!

Iginiit ni Commissioner Willie Marcial na walang binago sa pagpili ng starters at reserves sa PBA All-Stars, kaya walang dapat ikasama ng loob ang mga nakaligtaan.

“Kasi ‘yan ay, one, pili ng fans ang starters, and two, pili ng coaches ‘yung mga natitira,” aniya.

Nagpaboto ang PBA sa fans nu’ng first conference pa hanggang playoffs.

“Pagkatapos nun pinatigil ko para parehas labanan,” dagdag ni Marcial. “Tapos inulit natin (botohan) this conference for a week.”

Ibig lang sabihin ay hindi naimpluwensiyahan ng ibang bagay ang pili ng fans.

At taon-taon daw ay ginagawa ito ng PBA, kahit ano’ng procedure nung una pa ay ‘yun pa din ang sinusunod.

“Sa mga hindi nakasali, sorry. Baka next time … pero wala tayong binago sa proseso,” diin pa ni Marcial. “‘Di bale sana kung hindi natin sila nilagay sa listahan. Nasa listahan naman sila lahat.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?