210

By

Sophia, Michelle at Laura, bahagi na ng GMA Artist Center

Sharing is caring!

Pumirma ng exclusive management contract sina Sophia Senoron, Michelle Dee at Laura Lehmann sa GMA Artist Center (GMAAC) kahapon ng hapon, July 2.

Saksi sa contract signing ng tatlo ay sina Gigi Santiago- Lara (Senior Assistant Vice- President for Alternative Productions, Lilybeth G. Rasonable (Senior Vice-President for Entertainment) at Arnold Vegafria (head ng ALV Talent Circuit, Inc.)

Isang modelo si Michelle at anak siya ng former Miss International 1979 na si Melanie Marquez. Ang kanyang daddy ay si Frederick Dee, isang businessman.

Sina Sophia at Laura ay Miss World 2017 winners. Itinanghal na Miss Multinational Philippines si Sophia at nasungkit niya ang korona ng Miss Multinational 2017/2018 sa India. Nabigyan din siya ng chance to appear in “Walwal” movie under Direk Joey Reyes na showing pa rin hanggang ngayon.

Si Laura naman ay former courtside reporter ng UAAP at graduate siya ng Ateneo de Manila University bago siya naging winner ng Miss World Philippines 2017. She represented our country at the 67th edition ng Miss World pageant in Sanya City Arena in China last November 18, 2017, landed in the Top 40 at naiuwi niya ang karangalan bilang winner ng Beauty with a Purpose segment.

Good luck, ladies!

-30-

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?