36

Aug 5, 2022 @ 19:16
By

SOP sa pagtugon sa kalamidad pinarerepaso ni PBBM

Pinarerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang standard operating procedures (SOP) sa pag-iisyu ng babala tuwing may kalamidad.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang ipinatawag na Cabinet meeting na may pangangailangang lumikha ng nagkakaisang hakbang sa pagpapalabas ng babala bago pa man ang kalamidad.

“I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we immediately do when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” anang Pangulo.

Nais ng Presidente na magkaroon ng preposition ng satellite phones, generators at tubig kapag nag-isyu ng warning sa pamayanan.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr.na mahalaga ang linya ng komunikasyon para mabilis na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at malaman agad-agad ang sitwasyon at pangangailangan ng mga tao.

“As we know, the very first thing that we have to deal with is really communication, to find out what’s going on where, and then doon na tayo makapag-assess, saan natin uunahin. Ang experience ko, the first thing you have to do is communicate with the local government official,” dagdag ng Pangulo.

Binigyang-diin din ng Presidente ang pangangailangang magamit agad ang air assets sa panahon ng disaster response at ang agarang serbisyo ng mga engineer para tumulong sa clearing operations at pagtatayo ng mga pansamantalang istruktura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,