229

Dec 3, 2017 @ 17:54

SongSong mega-honeymoon pa rin

NAG-CELEBRATE ng kanyang ika-36th birthday ang isa sa mga Hallyu star na si Song Hye Kyo. Siyempre, present at halos hindi raw naghihiwalay ang bagong kasal na sina Hye Kyo at Song Joong Ki base sa report at postings ng mga nakakita sa kanila sa Grand Hyatt Hotel.

Sa Grand Hyatt, Itaewon, Seoul nag-celebrate ng birthday si Song Hye Kyo kasama rin ang ilan sa malalapit nilang kaibigan sa kanyang agency, ang United Artists Agency.

Ayon sa kuwento ng isang fan na nagkataong nandoon din sa naturang hotel nang mag- celebrate ng birthday si Hye Kyo, “they were holding hands the whole time like the recently married couple they are, which was adorable.”

Halos kararating lang din ng SongSong couple mula sa kanilang naging honeymoon sa Spain.

Sa ngayon, wala pang balita kung babalik na rin ba agad si Hye Kyo sa paggawa ng drama o magpo-focus muna ito sa bagong role, a wife to Joong Ki at sa kanilang two-story house with a basement in Itaewon.

While Song Joong Ki hosted 2017 MAMA (Mnet Asian Music Awards) noong Biyernes, December 1 sa Hong Kong. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?