59

Jul 5, 2019 @ 21:49
By

Song-Song maghahati sa $85M

Pagkatapos na ma-reveal na hiwalay na at nag-file ng divorce ang South Korean Song-Song couple na sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo, umiiwas nang makita in public si Joong-ki pero tuloy pa rin daw ang pag-shoot niya ng pelikulang Lightning Ship ngayong July.

Heto ang official statement mula sa agency ni Joong-Ki na Blossom Entertainment:

“For the time being, Song Joong Ki will be taking time off for himself without [attending] official events.

“Song Joong Ki is expected to begin filming Lightning Ship in early July.

“The exact details for the shoot haven’t been released yet. He will focus on filming Lightning Ship after the schedule is set.”

Isang big-budget science fiction movie ang Lightning Ship kunsaan gaganap si Soong-ki bilang isang astronaut. Makakasama niya rito ay ang South Korean actress na si Kim Tae-ri.

Wala rin daw makuha na impormasyon ang media sa personal na nangyayari sa buhay ng aktor.

“Because it’s the actor’s personal life, we cannot go into details. We ask for your understanding,” saad pa ng agency ni Soong-ki.

Si Joong-ki ang nag-file ng divorce sa kanyang misis na si Hye-ko. Ang rason ng kanilang paghihiwalau ay “differences in personality.”

Paghahatian daw ng Song-Song couple ang kanilang assets na may halaga na 100 billion won or $85,456,500.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?