141

Jul 22, 2019 @ 16:29
By

Song-Song couple hindi naghatian ng ari-arian

Wala umanong magaganap na hatian sa kanilang ari-arian at kaperahan sina Song Joong-ki at Song Hye-kyo matapos mapanalisa ang kanilang divorce nitong Lunes.

Ito’y isang buwan matapos maghain ng divorce si Joong-ki kay Hye-kyo sa Seoul Family Court.

Kinumpirma naman ng ahensiya ni Hye-kyo na UAA, na walang division of property or settlement money.

Kinasal ang dalawa noong October 2017 matapos magkakilala sa “Descendants of the Sun” noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?