167
Song Joong Ki, Song Hye Kyo divorce na
Jul 22, 2019 @ 14:45
By

Song Joong Ki, Song Hye Kyo divorce na

Inaprubahan na ng korte sa South Korea ang inihaing divorce settlement ng celebrity couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, ayon sa mga ulat.

Lumabas ang desisyon isang buwan matapos isiwalat ng abogado ng 33-year old na actor ang pag-file nito ng divorce sa 37-year old na aktres na unang nagsama sa Descendant of the Sun noong 2016.

Sa isang statement mula sa agency ni Hye Kyo, United Artists Agency, sinabi nito na sa ilalim ng agreement, walang mangyayaring paghahati sa property o settlement sa pera.

Una nang sinabi ng agency ng aktres na ang dahilan ng paghihiwalay ng celebrity couple ay kanilang pagkakaiba sa persinality.

Kinasal sina Joong Ki at Hye Kyo noong October 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?