165

By

Song Joong-ki sinisi: Song Hye-kyo malungkot, mukhang may sakit

Nag-first public appearance na ang South Korean actress na si Song Hye-kyo dalawang linggo pagkatapos ma-announce sa buong mundo ang paghihiwalay nila ng mister niya, ang South Korean actor na si Song Joong-ki.

Nai-file na noong nakaraang linggo ang divorce para sa kasal nila.

Nakita si Song Hye-kyo sa launch ng cosmetic brand na Sulwhasoo.

In-upload ng Harper’s Bazaar Hong Kong ang photos ni Hye-kyo sa kanilang Instagram account at nilagyan ito ng caption na: “Song Hye Kyo, making her first appearance after the divorce.”

Heto ang reactions ng netizens sa muling paglabas ni Hye-kyo:

“How can one look so sad and beautiful at the same time? Only Song Hye Kyo can.”

“You look tired, Unnie, but fighting. And please take care of your health!”

“You are a strong woman… Rest well, Eonni. By the way, you look really gorgeous. Take care.”

“She’s not that glowing like before but still she’s very beautiful. Hard times come and go! Be strong! I still support you both individually!”

“Take care of your health! Always love and support you no matter what happens.”

Si Song Joong-ki nga ang sinisi ng mga fan ni Song Hye-Kyo. June 27 nang mag-release ng statement ang Song-Song couple na sila ay naghiwalay na. Nagkakilala ang dalawa noong magsama sila sa hit Korea telenovela na “Descendants of the Sun” noong 2016. Differences in personality ang nilagay na dahilan ng kanilang divorce.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?