27

Mar 27, 2020 @ 19:18
By

Song Joong Ki naka-quarantine matapos mag-shooting sa Columbia

Napaulat na sasailalim sa self-quarantine ang South Korean actor na si Song Joong Ki matapos ang kanilang shooting ng pelikula sa Colombia, sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“Song Joong Ki returned to Korea on March 24, and thankfully he has had no problems concerning his health. He will be spending some significant amount of time in self-isolation and taking the opportunity to rest in the meantime,” ayon sa statement ng agency ng aktor na lumabas sa Soompi.

Wala naman umanong problema sa kalusugan ang aktor, at gagamitin umano ni Joong Ki ang oras na ito para makapagpahinga na rin.

Sumikat si Joong Ki sa hit K-drama ‘Descendants of the Sun’ kasama ng ex-wife nitong si Song Hye-kyo noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?