41

Dec 17, 2019 @ 17:28

Song Joong Ki aalis na sa agency

Nagdesisyon si South Korean actor Song Joong Ki na huwag nang i-renew ang kontrata sa kanyang label for seven years na Blossom Entertainment.

Parte si Song ng agency mula Pebrero 2013, at matatapos ang kontrata nito doon ngayong Disyembre 2019.

“Song Joong Ki’s contract with us expires this December. We have come to an agreement to not renew,” kumpirmasyon ng Blossom Ent. sa ilang mamamahayag.

Samantala, tinanggi ng Kakao M na sinusubukan nitong i-recruit ang aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?