388

Jun 27, 2019 @ 18:15
By

Song Hye Kyo nagsalita na sa divorce kay Song Joong Ki

Naglabas ng pahayag si Korean actress Song Hye Kyo sa pamamagitan ng kanyang agency tungkol sa trending nilang paghihiwalay ni Song Joong Ki.

Ani Song Hye Kyo sa statement ng United Artists Agency, ang magkaibang personalidad nila ng mister ang dahilan kaya nagdesisyon silang maghiwalay.

“We find it unfortunate that we are greeting you with unhappy news. After careful consideration, actress Song Hye Kyo and her husband are taking the first steps toward a divorce,” panimula sa statement.

“Because the two were unable to overcome their differences, they were forced to come to this decision. We respectfully ask for your understanding in regards to the fact that we cannot confirm any further details out of respect for the two actors’ personal lives. Additionally, we urge you to refrain from making scandalous posts and speculative comments,” dagdag pa sa statement.

Kinasal ang dalawang star ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun” noong October 31, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?