315

Dec 16, 2017 @ 16:09
By

Song Hye Kyo buntis na?

Sa unang pagkakataon simula nang ikasal si Song Hye Kyo kay Song Joong Ki noong October 31, umalis ang aktres papuntang Beijing, China para mag-participate sa isang event ng Amore Pacific.

Bukod dito, um-attend din siya ng opening ng state dinner hosted by Chinese President Xi Jinping noong December 14, ang Korea-China Economic Partnership. In attendance din ang South Korean President na si Moon Jae In.

Ayon kay Hye Kyo, “I am thankful to be invited to such an honorable event. It is truly an honor to meet with President Moon in this wonderful setting.”

Bukod sa ilang sightings sa SongSong couple pagkatapos ng kasal tulad ng panonood nila ng concert ni IU kamakailan lang, ang naturang pag-attend niya sa China ang nagsilbing first official activity ni Hye Kyo mula nang ikasal sila.

Ilang beses naman nang pinagdudahan na baka buntis na raw si Hye Kyo sa magiging first baby nila ni Joong Ki. Although tila mas nag-gain ito ng weight kumpara dati, pero wala namang anumang announcement o pag-amin sa mag-asawa kung malapit na nga ba silang magkaroon ng baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?