291
SONA ni Duterte, 1-oras nang atrasado
Jul 22, 2019 @ 17:01
By

SONA ni Duterte, 1-oras nang atrasado

Hindi nagsimula sa itinakdang oras ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hulyo 22.

Dapat sanang 4:00 pm ang SONA nito pero binago at ginawa umanong 5:00 pm na taliwas sa naunang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na darating “on time” ang Pangulo.

Ayon kay Senador Bong Go ang masamang panahon ang dahilan kaya na-late ang Pangulo.

Sabi naman kay Communications Secretary Martin Andanar, alas-4:30 ng hapon umalis ng Bahay Pagbabago ang Pangulo.

Nilinaw naman ni Panelo ang banta ng Pangulo na hindi dadalo sa SONA.

Aniya ito umano ay kapag wala pa ring napiling Speaker ang Kamara dahil ayaw umano nitong maulit ang nangyari noong 2018 SONA na nagkagulo ang Kamara matapos mapatalsik si Pantaleon Alvarez bilang lider nito at kung hindi ay tutulugan ito ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?