19

Jan 16, 2021 @ 15:29
By

Son Ye Jin ng ‘CLOY’ ipinagdiwang ika-39 na kaarawan

Ipinagdiwang ni Crash Landing On You (CLOY) star Son Ye Jin ang kanyang ika-39 na kaarawan kung saan nakatanggap siya ng maraming bulaklak at regalo mula sa kanyang mga fan.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang mga litrato ng sandamakmak ng mga bulaklak, keyk at regalong natanggap niya.


“It’s my first time to receive this much…. so many flowers cakes and presents on my birthday,” ani Ye Jin sa caption ng kanyang post.

“AH….This is very surprising and touching. And also received big congratulations with my 20th debut celebration,” dagdag pa niya.

Aniya, maswerte siya sa kanyang mga fan at sinabing mapagpasalamat ang kanyang puso dahil sa kanila.

“I can be proud of myself and I can feel I’m such a lucky person. You made me feel this way. I can start the year with your warmth and big cheer so I’m very excited and overwhelmed. How can I share my thankful heart to you guys… I hope this year will be kinder to everyone,” sambit niya.

Bukod sa CLOY, napanood din ang aktres sa ilang romance series tulad ng “The Classic” noong 2003 at “Personal Taste” noong 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?