118

Dec 19, 2017 @ 10:15
By

SOMO sa NPA, ‘di kailangan – Ping

Walang nakikitang dahilan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson para magpatupad ng suspensyon ng operasyon laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Lacson, dahil idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na teroristang grupo ang CPP-NPA.

“While the terrorist tag will have to wait for a court declaration, it won’t make sense to suspend military operations since the President has already made an official proclamation,” saad ni Lacson.

Matatandaang ikinagalit ni Pangulong Duterte ang aniya’y pangtatraidor ng NPA habang nagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan at patuloy ang ginagawang pag-atake.

Dahil dito, ipinatigil ng Punong Ehekutibo ang peacetalks at idineklarang terorista ang rebeldeng grupo. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?