71

Dec 20, 2017 @ 12:24
By

SOMO sa CPP-NPA idineklara ni Duterte

Nagdeklara ang Malacañang ng Suspension of Military Operations (SOMO) sa kilusang komunista simula Disyembre 24, 2017 hanggang Enero 2, 2018.

Taliwas ito sa pagmamatigas at naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw na niyang makipag-usap sa Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA).

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa pamamagitan ng unilateral ceasefire ay mababawasan ang agam agam ng publiko sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Umaasa ang Palasyo na tutugunin ng CPP-NPA-NDFP ang inisyatiba ng gobyerno.

“The President announced a suspension of military operations (SOMO) from December 24, 2017 to January 2, 2018.

“This unilateral ceasefire would lessen the apprehension of the public this Christmas season. We expect that the CPP-NPA-NDFP would do a similar gesture of goodwill.

“Christmas holds a special place in the hearts of our countrymen. In the observance of this occasion, we hope that all Filipinos would stand together as one nation and aspire for peace in our beloved Philippines,” ang pahayag ni Roque.

Nauna rito inihayag ni Pangulong Duterte na nais niyang magdiwang ng Kapaskuhan ang mga Pilipino nang maayos at mapayapa na walang iniintinding stress. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?