68

Dec 1, 2017 @ 17:57
By

Somali national, hinarang sa pagpunta sa London

Pinabalik ng Dubai, United Arab Emirates (UAE) ang isang Somali national nang magpanggap itong Swedish para makapunta ng London, United Kingdom.

Pasakay na si Abdinajah Mohamoud Aden, 23, ng flight ng Philippine Airlines nang habulin ito ng mga Immigration agent sa NAIA Terminal 2 noong Nobyembre 25.

Nang hingan ng kanyang mga dokumento, ipinakita ni Aden ang mga bitbit na Swedish travel documents kaya’t hindi na ito pinatuloy sa eroplano.

Nabuko na ginawang transit point ni Aden ang Pilipinas patungo ng UK dahil ang mga Somalian ay itinuturing na high-risk nationals. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?