11

Sep 17, 2020 @ 19:39
By

Soltones senti sa mga netizen

Sumama ang loob ni Premier Volleyball League (PVL) star Gretchel Soltones sa ilan niyang tagasubaybay sa social media dahil pagkapamahagi ng giveaway saka naman siya in-unfollow ng mahigit 100 netizen.

“So after nung pa-giveaway ko may mga nag-unfollow sa accounts ko,” anang lumipat bakog na liga mula sa Philippine SuperLiga (PSL).

Ibinahagi ni ‘Lady Beast’ ang paghimutok sa kanyang Facebook account dahil mula sa 20,220 bilang ay nalagasan ng 162 followers.

“From 20,220 down to 20,058,” pasaring nitong Huwebes ng 25-taong-gulang may taas na 5-8 na Cebuana na maglalaro sa sa 4th PVL 2020 sa PetroGazz Angels.

May tumalikod man nanindigan at dinamayan si Soltones ng ilan niyang fans.

@JcCusap: “Mga ndi cla solid sau bhe,”

Hirit ni @BeverlynCaores: “Solid fan here.”

“Hayaan mo na yun sila. Nandito naman kami,” pahabol ni @ArjayDogomeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?