86

Oct 31, 2017 @ 14:27

Solons, hinimok na bigyan ng tiyansa si Roque

Hinimok ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang mga kasamahang kongresista na bigyan ng pagkakataon si incoming presidential spokesperson Harry Roque.

Ito’y sa harap ng mga batikos kay Roque ng mga miyembro ng independent minority sa Kamara.

Naniniwala si Campos na magiging mahusay si Roque sa bagong posisyon at makatutulong ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang polisiya partikular sa human rights concerns.

“If there is anybody who can engage any President in a struggle of ideas in private consultation, it is somebody like Harry,” sabi ni Campos.

Ayon kay Campos, bilang tagapagsalita, may pagkakataon si Roque para personal na mabigyan ng payo ang Presidente kung paanong sasagot sa mahahalagang usapin.

Maaari aniyang makinig ang Pangulo kay Roque na hindi natatakot na sabihin ang nasa isip at kayang panindigan ang pinaniniwalaan.

“And if the President is going to listen to anybody on policy matters, he will likely listen to somebody like Harry, who is not afraid to speak his mind, and who can argue a case quite convincingly,” ayon pa sa kongresista.

Kumpiyansa si Campos na sa lawak ng karanasan ng dating kongresista ay mabibigyang-linaw nito sa publiko ang mga babanggiting polisiya ng Pangulo sa hinaharap. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?