63

Jun 15, 2018 @ 21:04
By

Solon sa Sanofi: Aminin n’yo na ang pagkakamali sa Dengvaxia

Hinimok ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Sanofi na umamin nang nagkamali ito sa premature at walang ingat na paglalako sa Pilipinas ng Dengvaxia.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na mataas ang hospitalization risk at severe dengue sa mga batang hindi pa tinatamaan ng naturang sakit.

“Instead of Sanofi announcing that it now knows how Dengvaxia may be better used with the proper label warning and prior testing to ascertain if a child had been previously infected with dengue, the company should just admit that it messed up in haphazardly peddling the vaccine without enough safety trials,” ani Pimentel.

Binigyang diin ng kongresista na aabot sa 870,000 mag-aaral ang nalagay sa panganib ang buhay dahil sa malawakang clinical trial.

Ayon kay Pimentel, may dalawang paraan para akuin ng Sanofi ang responsibilidad sa kanilang pagkakamali.

“They can return the entire P3.5 billion spent by the Philippine government for the three million doses of the vaccine, and they can put up an indemnity fund for the children who have been harmed, or who may be rendered sick after receiving the shots,” sabi ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?