14

By

Solon sa CAB: Hinay-hinay sa fuel surcharges

Sharing is caring!

Binalaan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Civil Aeronautics Board (CAB) laban sa agarang pagpapahintulot sa commercial airlines na magpataw ng fuel surcharges sa mga pasahero.

Ipinaalala ni Pimentel na noong huling pinayagan ng CAB ang fuel surcharges ay nangolekta ang airlines ng mula P500 sa kada pasahero ng domestic flights hanggang $400 para sa international passenger.

“The CAB should hold the horses for now. It is a bit premature for the extra charges,” ani Pimentel.

Sabi ng kongresista, tiyak na aaray dito ang tinatayang 25 milyong Pilipinong domestic passengers kada taon, gayundin ang 7,000 overseas Filipino workers na umaalis sa bansa kada araw.

Sa Hulyo 10, nakatakdang dinggin ng CAB ang mga petisyon ng airlines para sa panibagong fuel surcharges.

Idinahilan ng mga kumpanya sa petisyon ang umano’y pagtaas ng aviation fuel.

Pero naniniwala si Pimentel na kaya pang pasanin ng airlines ang mataas na fuel costs.

Kapag naaprubahan, ang surcharges ay idadagdag sa presyo ng ticket sa eroplano. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?