14

Jul 16, 2021 @ 17:19
By

Solon pasaklolo para ‘di kumalat Delta variant sa CDO

Humingi ng tulong ang isang solon upang magpadala ng team sa Cagayan de Oro upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Ginawa ni Deputy Speaker at CDO Rep. Rufus Rodriguez ang apela matapos na iulat ng Department of Health (DOH) na mayroong limang kaso ng Delta variant sa lungsod.

“I urge the IATF to send a team of experts on the Delta variant immediately to CDO to assist the LGU in implementing the proper steps to prevent the outbreak of the Delta variant in CDO,” apela ni Rodriguez.

Hiniling din ni Rodriguez ang pagpapadala ng dagdag na bakuna laban sa COVID-19.

“It is beyond alarming to note that the 5 cases of Delta variant, the highest so far in any city or province, have been detected in Cagayan de Oro. Of the total 11 local Delta variant cases in the Philippines detected today, 5 are from CDO,” sabi ni Rodriguez.

Ang CDO ay inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kasama ang Gingoog City, Iloilo City at probinsya ng Iloilo.

Ang Delta variant ay mas mabilis na kumalat dahil sa mutation nito.

“In the exigency of the situation, I urge government authorities to strictly implement the quarantine measures to ensure safety of the general public. I call on every Kagay-anon to #StayHome and adhere to the guidelines and health protocols set by the IATF,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?