115

Jun 15, 2021 @ 14:34
By

Solon: OFW na kumpleto bakuna, huwag na i-quarantine

Dapat umanong i-exempt na ng gobyerno sa pitong araw na quarantine ang mga Pilipino na uuwi sa bansa kung kumpleto na ang bakuna ng mga ito laban sa COVID-19.

Ayon kay Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong dapat payagan na ang mga bakunadong overseas Filipino worker at iba pang Pilipino na uuwi mula sa ibang bansa na makasama ang kanilang pamilya at huwag nang ilagay sa quarantine facility.

Maaari umano na isailalim na lamang ang mga ito sa RT-PCR swab pagdating sa bansa at tiyakin na makukuha ang address ng mga ito upang mahanap sakaling kailanganin.

Dapat din umanong luwagan na ang inter-zonal o cross border restriction sa mga taong bakunado na.

“We have to start jumpstarting our domestic tourism. Those who have already been vaccinated should be allowed to have unrestricted access to our beautiful local destinations. Aside from providing the momentum to boost our tourism sector, encouraging domestic travel for those who have been vaccinated should encourage more people to take their COVID jabs,” sabi ni Ong.

Dapat din umanong payagan na ang mga mall at restaurant na pumasok ang mga senior citizen kung kumpleto na ang bakuna ng mga ito.

Maaari rin umanong payagan ang mga restaurant na tumanggap ng mas maraming dine-in customer na nabakunahan na.

“While we understand that the health of our people must be paramount, we also need to help the business sector which has been bleeding for almost two years now. We also have to start reinvigorating our domestic tourism because many of our small and poor municipalities are dependent on tourism. We should encourage our vaccinated population to be at the forefront of our national effort to rev up our economy,” wika pa ni Ong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?