68

Jun 16, 2020 @ 15:48
By

Solon nangalampag para sa balik-pasada ng mga PUV

Mahigpit na nangangalampag ang Kabataan Party-list group sa pamahalaan para sa pagbabalik pasada ng mga jeepney na ang pangunahing apektado ay ang daan-daang commuters.

Ayon sa grupo, tila napabayaan ang kalagayan at kapakanan ng commuters sa kabuuang plano ng pamahalaan para sa mobilidad sa ilalim ng GCQ.

“Kapos na kapos ang public transport dahil hindi isinama ang kapakanan ng commuters sa kabuuang plano para sa mobilidad sa ilalim ng GCQ. Hindi pwede pag-usapan ang public transport nang walang boses ng mga commuters. Huwag nating hayaan na balik-trabaho pero walang masakyan. Commuters muna,” ayon kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago.

Bukod sa miserableng kalagayan ng mga commuter, maraming drivers ang walang hanapbuhay at nagugutom na ang pamilya.

Kaya panawagan ng kongresista na payagan na ang balik-pasada ng mga jeepney.

“Halos tatlong buwan na ring walang kinikita ang mga PUV draybers at operators. Bakit hindi natin sila payagan magbalik-pasada ayon sa health protocols? Marami sa mga tsuper ay walang natanggap na ayuda panlaban sa gutom at sakit kaya kailangan na nilang makapaghanapbuhay,” dagdag ni Rep. Elago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?