673

Oct 2, 2018 @ 11:47
By

Solon nagbabala sa posibleng kakapusan ng bigas sa Kapaskuhan

Nababahala ang isang mambabatas mula sa administrasyon dahil sa nagbabadyang kakapusan ng supply ng bigas pagsapit ng Kapaskuhan kung hindi aayusin ng pamahalaan ang sistema nito sa pag-iimpok at pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka.

Ayon kay House appropriations committee chairman at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, dapat magpursige ang National Food Authority (NFA) na punan ang demand ng mga mamimili at siguraduhing sapat ang supply ng NFA rice para na rin mapanatiling mababa ang presyo ng bigas pagdating ng Disyembre.

“If we do not find a way to keep rice prices from going up, we have to ensure that we have adequate stocks of NFA rice,” giit ni Nograles.

Base sa tala ng NFA nitong Setyembre 25, kulang 2.152 milyon na lamang na sako ng NFA rice ang mga nakaimbak sa kanilang mga warehouse.

Binalaan ni Nograles ang gobyerno na posibleng magkaroon ng tuyong Pasko kung hindi nito aayusin ang supply ng NFA rice pagdating ng Disyembre, dahil bukod sa posibilidad na walang mabili sa merkado, ay pihadong sisirit din ang presyo nito kasabay ng commercial rice.

“It would be a big trouble rice prices shoot-up by December since people will have to spend more for it, and will have less for their Noche Buena,” sabi ni Nograles.

Dagdag pa ng mambabatas mula sa Lungsod ng Davao, dapat na umanong aprubahan ng NFA council ang emergency procurement ng palay mula sa mga magsasaka sa rehiyon sa halagang P22.00 kada kilo.

“This allow them to boost their existing stocks before the present stock of rice starts to run out,” paliwanag ni Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?