20

By

Solon: Mga bully sa opisina kalusin!

Inihain ni Senador Bong Revilla ang isang panukalang naglalayong masawata ang insidente ng pambu-bully sa lahat ng mga establisimiyento at tanggapan, mapa-gobyerno man o pribado.

Sa Senate Bil 1217 o “Anti-Office Bullying Act,” nilalayon nito na i-require ang lahat ng tanggapan na gumawa ng polisya para maiwasan at matugunan ang mga gawaing pambu-bully sa lugar ng pinagtatrabahuhan.

Binigyang-diin ni Revilla na bagama’t pinagbawal na ng Kongreso ang pambu-bully sa loob ng mga paaralan, dapat magkaroon ng kahalintulad ng batas para sa mga pribado at government office.

“These kinds of acts hamper peace and tranquility in a professional environment and disrupt the delivery of services to the public,” sabi ni Revilla.

Ang mga halimbawa ng pambu-bully ay aktuwal na pananakit, foul language, name-calling, harassment sa internet, panlalalit sa hitsura, damit o katawan, pagpapakalat ng tsismis, pagbabawala ng magkaroon ng access sa workplace at mapang-abusong pag-uugali.

Paliwanag ng senador, hindi lang nakakaapekto ang workplace bullying sa physical, mental at emotional health ng isang manggagawa, kundi nakakasira rin ito ng kanyang career.

“Bullying in the workplace is often ignored and overlooked by both employers and co-employees, but its consequences are not only on the victim’s emotional health but on his productivity and morale,” paliwanag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?