246

Jan 9, 2022 @ 16:01
By

Solon itinulak pagkakaroon ng ika-2 termino ng pangulo, VP

Isang kongresista ang naghain ng resolusyon upang paikliin ang termino ng Pangulo subalit bibigyan ito ng pagkakataon na muling tumakbo sa halalan.

Sa ilalim ng Resolution of Both Houses no. 7 na akda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., magpapatawag ang Senado at Kamara de Representantes ng Constituent Assembly (Con-Ass) para amyendahan ang mga termino ng mga elective position sa gobyerno.

Ang termino ng Pangulo ay gagawing limang taon na lamang mula sa kasalukuyang anim na taon. Pero papayagan ito ng isang re-election at kung mananalo ay magiging 10 taon ang pamamalagi nito sa pwesto.

“A six-year tenure is too short for a good President, especially if he is confronted with a crippling crisis like the Covid-19 pandemic, which continues to wreak havoc on our health and economy and whose end is not yet in sight. It may take more than one presidency before the nation can fully recover from this catastrophe,” paliwanag ni Gonzales.

Kung hindi naman umano maganda ang pamamalakad nito ay limang taon lamang ang kanyang itatagal sa pwesto.

Sa ilalim ng RBH 7, ang bise presidente ay magkakaroon rin ng limang taong termino at isang reelection.

Sa araw ng halalan, ang boto para sa pangulo ay siya ring boto para sa kanyang bise presidente.

“This would strengthen the political party system and ensure that the top two officials of the land are one in leading the nation,” dagdag pa ni Gonzales.

Para sa mga miyembro ng Kamara at lokal na pamahalaan, ang kanilang termino ay gagawin na ring limang taon pero isang beses na reelection lamang ang papayagan. Sa kasalukuyan sila ay mayroong tatlong taong termino at dalawang reelection.

“A three-year tenure is too short for a representative. On his first year, he tends to be on a learning curve in terms of legislative and constituency duties, with much of his work happening on his second year. A large part of his third year is spent on reelection-related activities,” wika pa ng solon.

Hindi naman gagalawin ang kasalukuyang anim na taong termino ng mga senador at limang taong termino ng mga opisyal ng barangay.

Si Gonzales ay tumatakbo sa ikatlong termino at walang kalaban.

Sinabi ni Gonzales na ang 1987 Constitution ay ginawa bilang tugon sa mga nangyari noong Martial law at panahon na umano upang amyendahan ito.

“These have been with us for 34 long years. It may now be time to modify them to strengthen our political system and hasten national and local development,” sabi pa nito.

Aniya, ang Con-Ass ang pinakamabilis at murang paraan para amyendahan ang Saligang
Batas. (Billy Begas)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?