125

Jun 15, 2021 @ 17:35
By

Solon: Duterte ‘wag matakot sa ICC kung walang ginawang mali

Kung walang ginawang mali, wala umanong dapat na ikatakot ang administrasyong Duterte sakaling payagan ng International Criminal Court (ICC) ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y paglabag sa karapatang-pantao sa implementasyon ng war on drugs.

Ayon kay Magdalo Rep. Manuel Cabochan III, dapat makipagtulungan ang mga ahensya ng gobyerno sa ICC para lumabas ang katotohanan.

“Nais ko lang ding ibalik sa administrasyong Duterte ang paborito nilang linya: kung tingin nila wala silang ginawang mali, hindi dapat hadlangan ang imbestigasyon,” sabi ni Cabochan sa isang pahayag.

Naniniwala si Cabochan na ang hiling ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na makapagsagawa ang imbestigasyon ay isang hakbang papunta sa minimithing hustisya ng mga namatay at kanilang pamilya.

“May this be a reminder to the President, his officials, and everyone who openly supported the drug killings that there is always a day of reckoning. Power is not eternal, and soon, justice will be served,” dagdag pa ni Cabochan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?