12

Sep 20, 2020 @ 19:11
By

Solid Kapamilya! Angelica walang balak iwan ABS-CBN

Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, hindi pumasok sa isip ni Angelica Panganiban na iwan ang kanyang mother network.

Ayon sa aktres, nakakatanggap na rin siya ng offer mula sa ibang network ngunit wala pa siyang makitang dahilan para mag-ober da bakod.

“Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko puwedeng pangunahan yung mga mangyayari. Pero ngayon, hindi ko lang kaya [na iwanan ang ABS-CBN],” lahad ni Angelica sa virtual presser ng ‘Ask Angelica’.

Ngunit nilinaw naman niya na walang masama sa naging paglipat ng ibang dating ABS-CBN talent sa ibang network dahil kailangan din ng mga itong kumita.ve her various projects.

“Ako naman I’m very thankful na hanggang ngayon may trabahong ibinibigay sa akin yung ABS-CBN. Dito na muna ako. Siguro kapag walang-wala na talaga, wala na kaming makain pamilya, at saka ako lilipat. Pero hangga’t meron, okay pa naman ako,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?