By

Soli-bayad ng Bitag, pag-amin sa krimen – Pangilinan, Trillanes

Sharing is caring!

Mas nadidiin umano si Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo at ang mga kapatid sa kanilang advertising deal ngayong plano nilang magsauli ng P60 milyon.

Ayon kay Senador “Francis “Kiko” Pangilinan, ang pagsasauli ng pera ay pag-amin ng kasalanan.

“Ang pagsauli ng pera ay pag-amin ng kasalanan, isang pagkilala na may krimen na ginawa,”pahayag nito.

Ito rin ang sinabi ni Senador Antonio Trillanes na nagbigay diin na hindi makabubura sa ginawa nang krimen ang pagbabalik ng pera ng Bitag Media, ang kumpanya ng kapatid ni Teo na tumanggap ng P60 milyon para sa patalastas sa kanilang programa sa PTV 4.

“Ibig sabihin alam nila na mali ang ginawa nila. NGayon ang equivalent nyan, ang analogy niyan, para kang nagnakaw, nung nahuli ka, sinauli mo. Hindi pwede, gawa na yung krimen kaya kailangan natin itong maungkat,” sabi ni Trillanes.

Dahil dito, sinabi ng mga senador na dapat tuluyan ng kaso sina Teo.

Ayon kay Trillanes, maaring kasuhan si Teo ng plunder at damay ang mga kapatid na pinaboran ng advertising deal.

Samantala, sinabi ni Trillanes na maghahain siya ng resolusyon para imbestigahan ng Senado ang paggamit ng Department of Tourism sa budget nito para sa mga advertisement at ang iba pang lumutang na isyu sa departamento.

Madaragdag ito sa resolusyon na inihain na ni Senadora Nancy Binay na nagpapaimbestiga rin transaksiyon ng DOT, PTV 4 at ng Bitag Media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?