903

Nov 18, 2021 @ 16:19
By

SolGen noong Martial Law, idedepensa si Marcos Jr. sa DQ case

Isang solicitor general noong Martial Law ang kinuhang kumatawan kay Ferdinand Marcos Jr. sa mga petisyong inihain upang i-disqualify ang huli sa pagtakbong presidente.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., nagboluntaryo si dating solicitor general Estelito Mendoza para maging counsel sa mga petisyong inihain sa Commission on Elections laban sa una.

Nauna nang nailusot ng 91-anyos na abogado sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senador Bong Revilla at dating senador Juan Ponce Enrile sa mga kasong plunder.

Samantala, sinabi ni Rodriguez na binigyan ng Comelec ng pitong araw na extension si Marcos Jr. upang tumugon sa unang petisyon na pagkansela sa kanyang certificate of candidacy dahil sa kanyang tax conviction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?