87
ABANTE-TNT-solgen-ml-ex-calida
Feb 21, 2018 @ 19:13
By

SolGen Calida kinalampag sa kaso ni Sereno

Dumulog ang isang suspendidong abogado sa tanggapan ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida at hiniling na magsagawa ito ng mga paglilitis na tutulan si “de facto” Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagiging pinakamataas na mahistrado.

Sa dalawang-pahinang liham ni Atty. Eligio Mallari, hiniling niya kay Calida na magsagawa ng ‘quo warranto proceedings’ sa posisyon na inaangkin ni Sereno.

Sinabi ni Mallari na bigo umano si Sereno na makapagsumite ng lahat ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN), na isa sa mga requirement ng Judicial and Bar Council (JBC), base na rin sa naging pahayag sa pagdinig ni Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta, at kung saan kinokonsidera niyang “de facto chief justice” si Sereno.

Hindi naman nag-iisa si Peralta sa pagkukuwestiyon sa pagkakatalaga kay Sereno, kung saan nagpahayag din si Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro na hindi naging patas o “unfair” sa mga contender nito ang pagkakatalaga bilang Chief Justice.

Ayon kay Mallari na binanggit ni Leyte Rep. Eduardo Veloso, dating Court of Appeals Justice, na ang pagkakatalaga kay Sereno ay maaaring walang bisa mula pa sa simula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?