129

By

Solenn ‘papatayin’ si Erwan pag niloko si Anne

Sharing is caring!

HALOS mapuno ang social media sa photos ng wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff

kahapon na kuha mula sa New Zealand. Tatlong araw na namayagpag sa Instagram ang mga kaganapan sa kasal ng It’s Showtime host sa celebrity chef.

Panay ang post ng mga kaibigan nilang dumalo sa kasal ilang araw bago naganap ang seremonya. Makikita sa mga IG account nina Cheska Kramer, Danica Pingris, Solenn Heussaff at hubby Nico Bolzico, Isabel Daza, Tim Yap, Dr. Vicki Belo with husband Hayden Kho, Angel Locsin, Vhong Navarro, Vice Ganda, Luis Manzano and girlfriend Jessy Mendiola at iba pa.

Parang nag-uunahan pa ang mga ito na mag-post ng mga wedding photos. Karamihan sa mga dumalo ay mga first timer sa NZ kaya naman aligaga ang mga ito sa pagpi-picture.

Hindi nabigo ang fans nina Anne at Erwan sa update ng kanilang kasal dahil sa postings ni Tim Yap bago at pagkatapos ng kasal. Para ka ngang nanonood nang live coverage ng kasal nina
Anne at Erwan dahil sa mga IG posts ni Tim Yap.

Simple lang ang kasal pero para sa lahat ay very memorable, relaxing at breath of fresh air.

Unlike sa kasal nina Hayden at Vicki, ang kina Anne at Erwan ay bago sa panlasa ng mga Pinoy dahil sa environment at ambiance na pinadausan nito.

Anyways, official na ngang tinanggap ni Solenn si Anne dahil sa IG post niya ng aktres at ng kapatid nitong si Erwan, sinabi nito sa eve ng wedding na “I will have a new sister soon.”

Kunsabagay, higit pa sa 100% na tinanggap na noon pa ni Solenn si Anne dahil nu’ng ma-interview namin ang una bago pa ang kasal ay sinabi nitong mahal na mahal niya ang

kasintahan ng kapatid.

Pabiro pa nga niyang sinabi na papatayin iya si Erwan kapag sinaktan si Anne. Pero alamnaman daw niyang magiging masaya ang aktres sa kapatid dahil love na love ito ni Erwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?