98

Dec 25, 2017 @ 17:59
By

Solenn hindi hiwalay kay Nico

Headline ng mga entertainment section ng mga diyaryo at showbiz websites ang magkahiwalay na pagdiriwang ng Pasko ni Solenn Heussaff at ng kanyang asawa na si Nico Bolzico.

Umuwi si Nico sa bayan nito sa Argentina para makasama sa Pasko ang pamilya niya samantalang naiwan sa Pilipinas si Solenn.

May mga hindi nakaunawa sa mga headline tungkol sa magkahiwalay na Christmas celebration ng mag-asawa dahil in passing lamang ito na nabanggit ni Solenn sa isang interbyu.

Si Solenn ang celebrity endorser ng CDO Premium Holiday Ham dahil ito ang favorite Christmas food niya at sa panayam sa kanya tungkol sa walang extenders na ham, naikuwento ng sexy actress ang pag-uwi ni Nico sa Argentina na hindi siya kasama.

Misleading ang ilan sa mga headline kaya ang akala ng ibang mga nagbasa, hiwalay na ang dalawa. Kung binasa nila na mabuti ang kabuuan ng interbyu kay Solenn, malinaw ang sinabi nito na hindi siya selfish at possessive na asawa kaya pinayagan niya si Nico na magbakasyon sa Argentina dahil sa buong taon naman, silang dalawa ang araw-araw na magkasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?