29
abante-tnt-vismin-solenn-nico
By

Solenn gusto nang pabuntis kay Nico

Sharing is caring!

Iba talaga ang mag-asawang Nico at Solenn kung magbigay sila ng sorpresa sa nakaraang wedding anniversary nila. Para sa second wedding anniversary nila, bukod sa mga romantic messages nila sa isa’t isa, may nakakatawang regalo si Solenn sa kanyang mister.

Pinost ni Nico sa kanyang Instagram, stories ang anniversary gift na galing kay Solenn na isang pakwan or watermelon. May nakalagay na mensahe sa balat ng pakwan na isang seedless watermelon daw ito.

Nilgayan ni Nico ng caption na “Her anniversary present!”

Hinatid pa mismo ni Solenn ang naturang pakwan sa opisina ni Nico. Tuloy may mga nag-isip na netizen na baka sign ang pakwan na iyon na ready na si Solenn na magbuntis para magkaroon na sila ng baby ni Nico.

Sa magbabarkada na It Girls, sila Solenn at Anne Curtis na lang ang walang mga anak. May mga anak na sina Isabelle Daza, Georgina Wilson at Liz Uy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?