301

Jan 30, 2020 @ 18:39
By

Solenn: Flight mula China, dapat ban agad

Nainis si Solenn Heusaff sa Philippine government matapos kumpirmahin ang kaso ng novel coronavirus sa bansa.

Sa tweet ni Solenn, sinabi nito na noong una pa lamang ay dapat tinigil na ang pagpasok ng mga Chinese na nagmula sa China noong nabalita ang virus outbreak.

“Why is our government still allowing flights in from China?? That should have been the first action when news about this virus came out,” ayon sa aktres.

Nitong Huwebes ay kinumpirma na ng Department of Health ang unang kaso ng nCoV sa bansa, ito ay mula sa isang 38-year old Chinese na nanggaling sa Wuhan, China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?